Salamat sa pagkupkop mo sa aming
Kung saan-sang dako pa ng ‘Pinas galing
Sa loob ng maraming taon bahay kang itinuring
Humubog sa pagkatao’t kamalayan ay ginising.
Dito nakatagpo ng mga kaibigang tunay
‘Di ka huhusgahan, handa laging dumamay
Anuman ang estado, anuman ang ‘yong kulay
Sa iisang bubong, sama-samang namumuhay.
Dito kahit walang pera’y di ka magugutom
Nandyan si Aling Lina, handa laging tumulong
Ibabahagi ng corridor-mates kanilang mga baon
Pagkagaling sa probinsya’y may dala pang pasalubong.
Dito P175 lang ang rent na monthly
Mayroon pang antique na ref at TV sa lobby
Nandyan si Popo kung gusto mo ng debate
O tyempuhan si Bading na may kasamang estudyante.
Sarado ang mga kwarto kapag may “open house”
Paborito sa betamax ang seryeng “Debbie Does…”
Dayaan sa larong “red dog” inaabot ng dis-oras
Gilbey’s-asin o Tanduay-Coke siguradong may amats.
Hanggang isang balita ang sa akin ay gumulantang
Ikaw daw ay nasunog, ‘di na titirahan
Isang hapong galing sa miting pilit kitang dinaanan
Kalunos-lunos na nga ang ‘yong kalagayan.
Ngayon nga’y target ka na ng demolisyon
Mga alaala na lamang tanging konsolasyon
Sana’y bigyang halaga ka, gawaran ng rekognisyon
Sa kasaysayan ng Pamantasan tunay kang institusyon!
Nice Sir! :D will share
ReplyDeleteThanks fellow Narrehan. Mabuhay ka!
ReplyDelete